Palayok ni Amethy

Thursday, September 11, 2008

Hi guys. Here is one of the live events that will happen in RAN GT. Kindly scan the mechanics. Thank you.


Registration

1. Kailangan magpakita ng unscratched 50 EP Card ng mga sasaling kalahok.
2. Para sa mga Oye Girl, kailangan rin magpakita ng unscratched 50 EP Card ngunit kung lagpas 3 ang sumali, pipiliin ang 3 Oye Girls sa bunutan o raffle.

Pagpili ng Oye Girls

1. Ang Oye Girls ang syang naghahawak ng palayok na may lamang in-game items para sa Jackpot Round.
2. Papipiliin ang mga napiling Oye Girls ng kanilang hahawakang palayok.
3. Kung sino man sa kanila ang may hawak ng palayok na napili sa Jackpot Round ay magkakamit ng premyong makukuha ng Jackpot Player.
4. Ang mga Oye Girls na hindi napili sa Jackpot Round ay mananalo ng premyong nasa loob ng palayok na hawak nila.

Elimination Round

1. Sa elimination round, may tatlong Oye Girls na may hawak na palayok.
2. Ang mga palayok ay nagrerepresent ng posibleng sagot sa tanong ng Host.
3. Bibigyan ng limang segundo ang mga players para pumila sa napili nilang palayok.
4. Ang mga pumila lamang sa tamang palayok ang patuloy na maglalaro para sa susunod na mga tanong.
5. Ang player na matitira ang maglalaro para sa Jackpot Round.

Jackpot Round

1. Ang tatlong palayok na hawak ng ating mga Oye Girls ay may laman na premyo sa loob.
2. Papipiliin ang Jackpot Player ng isang palayok.
3. Mag-ooffer ang host kung Gold or Palayok ang nais ng player.
4. Sa pagtatapos ng offer, kung ano man ang pinili ng player ay syang mapapanalunan din ng Oye Girl.

Mga Posibleng Laman ng Palayok ni Amethy:
+9 Armor Set of Choice +100hpmpsp
+9 Weapon of Choice +10RV
+9 Vanish Ring +100hpmpsp
1000 Bread
+9 Broom

0 comments: